Sunday, September 26, 2010

Mt. Maculot (Cuenca Batangas)

Ito yung "picture" namin malapit sa pangalawang ligaw.


 Ito yung bundok na may "7-11" sa itaas. Naka diskarte kami ng sasakyan dito sa aming kapwa ka-grupo na SMOG (Signal Mountaineer Outdoor Group). Saglit lang yung lakaran dito mula sa "jump off" papuntang campsite. Bandang alas singko na kami nakarating sa lugar ng pagtatayuan namin ng "tent". Hindi na rin namin napuntahan ang summit kaya naghanda na lang kami ng aming pang-hapunan at pagkatapos ay sinimulan na ang inuman "sessions". May dalawa pa kaming mga kasamahan na dumating na ang bansag sa kanila ay tumandoks (tumanda na sa bundok). Masaya silang kasama sa inuman dahil ang isa ay magaling sa kwentuhan samantalang ang isa naman ay magaling sa pagtugtog ng "flute". Madaling araw na rin ang aming tulog at tanghali na rin ang aming gising. Doon na kami sa "jump off" kumain para sa tanghalian.

Sa loob na nang "7-11" kami nag-agahan bago ang "break camp". Makikita sa bandang likod ang summit ng makulot.

Ang bandang kanang larawan ng "rockies" habang nakikita sa malayo ang bulkang taal. 

Ang trail ng "rockies" na kuha malapit sa campsite. Mag-ingat umakyat dito lalo na sa "first timer" dahil may parte sa "trail" na ma-uuntog ka habang uma-akyat. 



Ang ibabaw ng "rockies". Walang magandang pwesto dito para sa "tent". 



Sariling kuha ko ito gamit ng "timer" ng "digital camera" sa ibabaw ng "rockies". Nasa likod ko ang "summit" ng Maculot. 



Sariling kuha ko ulit sa lugar na kung tawagin nila ay batong dila, sa  "rockies" pa rin ito. Ingat lang dahil malakas ang hangin dito at may namatay na daw ayon sa kumakalat na balita.



Ako at si Michael na kuha bandang hapon pagkatapos magtayo ng "tent". Siya rin ang may-ari ng sasakyan na ginamit namin. 


Ang "campsite" na malayong kuha mula sa "jump off". Sa bandang kaliwa dito ang "rockies" na patusok ang dulo.

Mt. Manabu (Batangas)

Group picture ng Team Kametong kasama ang mga SFC sa jump off
Mahal na araw yung climb namin dito at maraming SFC ang sumama. Binigyan kami ng briefing sa jump off tungkol sa mga panganib sa bundok at mga "standard proceedures" na dapat ikilos sa pag-akyat at pag-dating sa "summit". Ako ang naitalagang "sweeper" sa grupo at ayos naman sa akin iyon dahil mabagal akong maglakad. Nahati kami sa dalawang grupo sa dahilang mabilis maglakad ang mga nasa unahan at ang mga nasa hulihan ay hindi na nakahabol at nahiwalay sa kanila. Marahil ay naaliw kami sa daan kung kaya hindi namin napansin na ibang daan papuntang summit na pala ang aming tinatahak. Napansin ko na lang na nahiwalay kami sa unahang grupo sa dahilang ang "trail" ay bagong daan lang ng mga tao (hindi ito bugbog ang "trail" sa akyat panaog ng mga tao). Naging mahirap sa amin yung daan na iyon at buti na lang ay meron kaming napansing mga marka ng "electrical tape" sa katawan ng mga puno. Sinundan namin ang bawat "tape" na makikita sa pag-asang makabalik kami sa tamang daan (Mula din sa mga naligaw na "climber" yung "electrical tape" na naka dikit sa katawan ng puno). Nagkita-kita din kami sa tuktok ng Manabu na kung saan nandoon din yung malaking "cross" na puti, nag pa-picture at nagpalipas ng oras habang hinihintay ang paglubog ng araw. Maraming tao ang umakyat sa araw na iyon at wala na kaming magandang pwesto para pagtayuan ng aming mga "tent". Naghanap kami ng pwesto sa bandang ibaba para makapaglatag ng aming matutulugan at makapagsimula ng magluto para sa aming hapunan
Pagkatapos ay nagsumula ang aming activity na sadyang napakasaya. Para kaming mga bata na naglalaro sa gabi. Buti na lamang ay hindi umulan kaya hindi naging mahirap sa amin ang matulog sa gabi.
Kuha ito sa lugar ng campsite namin habang hinihintay na maluto ang aming hinandang almusal.

Sa pagbaba namin ng bundok ay humiwalay na ako sa grupo. Pinuntahan ko ang kaibigan kong "officemate" malapit sa Bauan Batangas at doon na ako nagpalipas ng mahal na araw.

Tuesday, September 14, 2010

Mt. Talamitam (Batangas)

Si Jing jing ang kasama ko dito na kuha mula sa inu-upuan naming bato malapit sa groto.
Ito ang unang akyat ko sa bundok na kung saan ay medyo alanganin pa yung pag-sama ko dahil hindi ko naman talaga hilig ang lumabas ng bahay. Niyaya ako ng mga barkada ko at sabi nila na hindi naman ako mahihirapan sa pag-akyat ng bundok dahil madali lang yung lakaran. Bago pa lang ako na-engganyo na sumama ay sinabihan na nila ako ng mga posibleng mangyari sa pag-akyat at nilahad sa akin yung mga bagay na sa tingin nila ay hindi "convenient" sa akin (ayaw naman kasi nila na sisihin ko sila kung hindi mangyayari yung mga "expectations" ko at naging parusa sa akin yung akyatan). Hinanda ko ang sarili ko dito dahil wala pa akong muwang sa mga ginagawa ng isang "mountaineer". Naging bukas sila sa pagpapahiram ng mga kagamitan nila tulad ng tent at iba pa, bag at sarili ko lang na damit yung tanda ko na hinanda ko. Naging masaya yung una kong akyat at hindi ko sukat akalain na ito ang magiging simula ng aking "adventure" sa mga nag-daang araw.
Kuha ito sa loob ng tent at bagong gising (ilang oras lang yung tulog ko dito dahil sa magdamagang inuman). Dito rin ako nakakain ng sphaghetti sa tuktok ng bundok.




Sa summit pa rin yung kuha nito at kalalabas ko pa lang ng tent dito.
View ng bundok sa aking likuran at kulay itim ito dahil sa nasunog ang mga damo doon. Night trek na kami ng mag-assault at dahil sa madilim ay hindi ko agad naisip na iyon na pala yung mga nasunog na damo (ang akala ko kasi nabasa ng ulan kaya kulay itim ang lupa)


Sarili kong huha ng litrato sa summit ng bundok Talamitam. Medyo mainit na yung sikat ng araw kahit na malakas yung hangin. Nag-simula na rin kami mag-break camp dito.
Kuha ito sa loob ng jeep at kabababa lang namin ng bundok. Baranggay Bayabasan yung entry at exit point namin.

Naging masaya ang resulta ng aming akyat. Nakakapagod pero sulit ang mga natamong pasakit lalo na kung nagawa mo ang mga bagay na sa unang tingin mo ay mahirap gawin.