Sunday, September 26, 2010

Mt. Manabu (Batangas)

Group picture ng Team Kametong kasama ang mga SFC sa jump off
Mahal na araw yung climb namin dito at maraming SFC ang sumama. Binigyan kami ng briefing sa jump off tungkol sa mga panganib sa bundok at mga "standard proceedures" na dapat ikilos sa pag-akyat at pag-dating sa "summit". Ako ang naitalagang "sweeper" sa grupo at ayos naman sa akin iyon dahil mabagal akong maglakad. Nahati kami sa dalawang grupo sa dahilang mabilis maglakad ang mga nasa unahan at ang mga nasa hulihan ay hindi na nakahabol at nahiwalay sa kanila. Marahil ay naaliw kami sa daan kung kaya hindi namin napansin na ibang daan papuntang summit na pala ang aming tinatahak. Napansin ko na lang na nahiwalay kami sa unahang grupo sa dahilang ang "trail" ay bagong daan lang ng mga tao (hindi ito bugbog ang "trail" sa akyat panaog ng mga tao). Naging mahirap sa amin yung daan na iyon at buti na lang ay meron kaming napansing mga marka ng "electrical tape" sa katawan ng mga puno. Sinundan namin ang bawat "tape" na makikita sa pag-asang makabalik kami sa tamang daan (Mula din sa mga naligaw na "climber" yung "electrical tape" na naka dikit sa katawan ng puno). Nagkita-kita din kami sa tuktok ng Manabu na kung saan nandoon din yung malaking "cross" na puti, nag pa-picture at nagpalipas ng oras habang hinihintay ang paglubog ng araw. Maraming tao ang umakyat sa araw na iyon at wala na kaming magandang pwesto para pagtayuan ng aming mga "tent". Naghanap kami ng pwesto sa bandang ibaba para makapaglatag ng aming matutulugan at makapagsimula ng magluto para sa aming hapunan
Pagkatapos ay nagsumula ang aming activity na sadyang napakasaya. Para kaming mga bata na naglalaro sa gabi. Buti na lamang ay hindi umulan kaya hindi naging mahirap sa amin ang matulog sa gabi.
Kuha ito sa lugar ng campsite namin habang hinihintay na maluto ang aming hinandang almusal.

Sa pagbaba namin ng bundok ay humiwalay na ako sa grupo. Pinuntahan ko ang kaibigan kong "officemate" malapit sa Bauan Batangas at doon na ako nagpalipas ng mahal na araw.

No comments:

Post a Comment