Tuesday, September 14, 2010

Mt. Talamitam (Batangas)

Si Jing jing ang kasama ko dito na kuha mula sa inu-upuan naming bato malapit sa groto.
Ito ang unang akyat ko sa bundok na kung saan ay medyo alanganin pa yung pag-sama ko dahil hindi ko naman talaga hilig ang lumabas ng bahay. Niyaya ako ng mga barkada ko at sabi nila na hindi naman ako mahihirapan sa pag-akyat ng bundok dahil madali lang yung lakaran. Bago pa lang ako na-engganyo na sumama ay sinabihan na nila ako ng mga posibleng mangyari sa pag-akyat at nilahad sa akin yung mga bagay na sa tingin nila ay hindi "convenient" sa akin (ayaw naman kasi nila na sisihin ko sila kung hindi mangyayari yung mga "expectations" ko at naging parusa sa akin yung akyatan). Hinanda ko ang sarili ko dito dahil wala pa akong muwang sa mga ginagawa ng isang "mountaineer". Naging bukas sila sa pagpapahiram ng mga kagamitan nila tulad ng tent at iba pa, bag at sarili ko lang na damit yung tanda ko na hinanda ko. Naging masaya yung una kong akyat at hindi ko sukat akalain na ito ang magiging simula ng aking "adventure" sa mga nag-daang araw.
Kuha ito sa loob ng tent at bagong gising (ilang oras lang yung tulog ko dito dahil sa magdamagang inuman). Dito rin ako nakakain ng sphaghetti sa tuktok ng bundok.




Sa summit pa rin yung kuha nito at kalalabas ko pa lang ng tent dito.
View ng bundok sa aking likuran at kulay itim ito dahil sa nasunog ang mga damo doon. Night trek na kami ng mag-assault at dahil sa madilim ay hindi ko agad naisip na iyon na pala yung mga nasunog na damo (ang akala ko kasi nabasa ng ulan kaya kulay itim ang lupa)


Sarili kong huha ng litrato sa summit ng bundok Talamitam. Medyo mainit na yung sikat ng araw kahit na malakas yung hangin. Nag-simula na rin kami mag-break camp dito.
Kuha ito sa loob ng jeep at kabababa lang namin ng bundok. Baranggay Bayabasan yung entry at exit point namin.

Naging masaya ang resulta ng aming akyat. Nakakapagod pero sulit ang mga natamong pasakit lalo na kung nagawa mo ang mga bagay na sa unang tingin mo ay mahirap gawin.

No comments:

Post a Comment